The Pornstar

December 1, 2007

Reunion

Filed under: kamote — Tags: , , — pornstar88 @ 7:05 am

Malapit na ang Batch Reunion namin.

Palapit na ang mga pinaghandaang mga pahanginan, mga presidente na ng mga kumpanya, mga SOO(son of the owner), mga anak ng smuggler, at ng kung ano anong LORD.

Natutuwa ako na pakinggan sila.

Yumaman sila ng dahil sa magulang nila, hindi dahil sa sarili nilang kakayanan.

Ayoko talaga pumunta, pero I need to grab the opportunity… bakit?

bebentahan ko ang mga mayayabang. bwahahaha!

Ano nga ba ako sa school namin?

Isa lang naman akong common na estudyante, pero nakilala ako dahil sa sinibat ko ang teacher kong pari ng walis tambo. Dun, yun ang nagpasikat sa akin.  (note: I am not THAT bad, gumanti lang ako.)

Nung nakaraang linggo, nagkita-kita ang halos kalahati ng klase, sa isang hotel sa makati. Pagaraan ng mga damit, mga naka-dress to kill ang drama ng mga lolo nyo….coat and tie, armani suits, may mga dumating din na mga naka pangburol na… mga galing sa opisina ng tatay nila.

Ako ang huling huli na dumating. Naka-tsinelas, shorts at polo shirt. May nag comment, nampucha gel parang mamamalengke ka lang ha.

Halakhakan ang mga konyo.

Ako, dedma. Paki-alam ko.

Pinuntahan ko ang mga ka-berks ko sa grupo.

Masaya kami, hiwalay ang grupo namin sa mga grupo ng mga konyo.

Masaya kami na pinagtatawanan namin sila. :)

Silent panglalait. Yeah that’s the right term. :)

Hanggang umabot kami ng madaling araw at nagpasya kami na mag uwian na. Kanya-kanyang punta ng parking lot, may mga sinusundo ng mga driver…may nag cocommute.

At may mga bumalik pa ng main entrance from the parking lot para iparada ang kanilang mga sports car, at mga luxury cars ng mga tatay nila.

Lahat kami nasa labas, waiting for their sundo.

Ng nilapitan ako ng isang konyo.

Pano ka uuwi? Sabay ka na sa akin… 2 Seater naman tong dala ko men. (sabay sandal sa gilid ng koche)

Sabi ko, ayoko… dito ako tutulog.

(sabay tawa ang mga kasama ko…)

lakas ko daw mang good time. :D

SO bahala na silang mga anak ng mga lord. At sana kunin na sila ni Lord.

4 Comments »

  1. kaw anong klaseng lord ka?

    Comment by honey — December 1, 2007 @ 7:21 am

  2. porn lord.

    Comment by pornstar88 — December 1, 2007 @ 8:21 am

  3. ahahahaha. dito ako naaliw sa comments. diretso, totoo, walang duda. ahahahahaha

    Comment by redpl8 — December 1, 2007 @ 9:30 pm

  4. hehehe

    hay naku red, baka mamaya hindi lang sa greenhills tayo nagkakasalubong, baka pati sa cartimar.

    Comment by pornstar88 — December 1, 2007 @ 11:13 pm


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Blog at WordPress.com.