Marami sa atin ang ayaw sa Cactus, dahil nakakasakit ang tinik… nakakasugat pa kung minsan. Meron din namang nagsasabi na malas ito, dahil sya ang nagtataglay ng mga tinik. “tinik sa buhay”. Pero kadalasan ang dahilan, pangit sya and just plain boring.
Ang hindi nila alam, ang cactus ay puno ng misteryo kumpara sa ibang mga naggagandahang halaman.
Mga misteryo na kailangan mo tuklasin, at siyasatin. Upang makuha mo ang tamang gabay sa pag aalaga na nais nya.
Sabi ng iba… Ang cactus ay halaman ng tamad, pabayaan mo lang… ilagay mo sa may araw pwede na. Yan ay katwirang tanga. Hindi lahat ng cactus pare-pareho.
Parang tao, hindi lahat magkakamukha, magkaka-ugali… may kanya kanyang katangian.
Matinik.
Maraming ng nasaktan, dahil sa maling pamamaraan ng pag-hawak.
Sumpungin.
Dahil kahit lumipas ang 1 o 2 taon, may iba na ayaw maglabas ng bulaklak.
May natatanging ganda.
Lahat tayo, may kanya kanyang itsura. May maganda, at may alam nyo na…
Pero bigyan nyo ng kaunting panahon para intindihin ang halaman na ito, malalaman din ninyo kung paano nya kayo hindi masasaktan.
At pag nangyari yon, pag natutunan mo na syang intindihin at mahalin, ito ay magbibigay ng napakagandang bulaklak para sa inyo.
Yan ang buhay namin ng Cactus ko.

aba bagong pagmumuni-muni e2 ah… (yung last 3 paragraphs mo) danda ng reflections mo dun dong… well for people, hopefully, those who have seen the beasts in us would be patient enough to love us and wait to see the best in us!
Comment by honey — December 4, 2007 @ 8:32 pm