Ang kasalanan ng aso, ay mas kasalanan ng amo.
As a dog owner, responsibilidad ng amo ang alagaan ang aso nya, at kung ano man ang gawin nito.
Pero kanina, nakasaksi ako first hand ang amo nagtago sa responsibilidad nya.
Nakita nya na kinagat ng aso nya ang bisita ng kapitbahay nya, ang ginawa nya pumasok sa bahay niya ng parang walang nakita.
At nung binigyan na ng first aid ang bisita, lumabas ang amo, at tinanong yung kasambahay namin…
“nakagat ba?”
Hulaan nyo kung sino ang umintindi dun sa nakagat?
Kami.
Dinala namin sa Lourdes Hospital.
Ang gastos umabot sa 5k.
Ngayon lang yan, may mga shots pa na kasunod. 7 shots lahat lahat.
1650 per shot.
Kamusta naman yun di ba?
At mukhang wala talagang pakialam yung amo na yun.
Well, tignan na lang natin bukas kung ano ang gagawin nila.
Kahit sana man lang sila ang umintindi sa pagdala sa hospital nung kinagat.
O kinamusta nila, ang kalagayan.
Kaso hindi eh.
Nakakaawa yung kinagat, at dun sa nagmagandang loob na ipa-hospital yung biktima.
Nagbisita na nga lang yung tao, nakagat pa.
Hindi biro na gastos eh.
Napaka iresponsable naman ng kapitbahay ninyo.
Sa braso ba nakagat?
Comment by Scarlett — January 7, 2008 @ 3:13 pm
Sa hita yan. Likod ng hita.
Comment by pornstar88 — January 8, 2008 @ 2:53 am
grabe naman…di inasikaso
Comment by maria — January 8, 2008 @ 5:10 am
Maria, sinabi mo pa…
Actually, she’s cruel to animals.
Nag alaga lang yan ng aso, just to say na meron may aso sya. gets?
Okay lang yung lalake e, kaso kung sino pa yung babae sya pa yung masama ugali.
Comment by pornstar88 — January 8, 2008 @ 1:39 pm