The Pornstar

January 8, 2008

Hindi nyo lang alam…

…mas jologs pa ako sa pinaka-jologs na kilala nyo. 

Kanina as usual, nasa greenhills ako to bid farewell sa mga tiangge and staff nila kasi last day na nila mamaya.

(oh di ba updated!)

Tatlong araw na akong doon nagtatanghalian, at tatlong araw na rin ako paikot-ikot dun, wala naman ako binibili. Ay except the puzzle hehe.. yung pang kids. Pero kahit pang kids yung puzzle, ang hirap pa rin ah.

Anyways, sa tatlong araw na magkakasunod na pag-ikot ko sa greenhills, nagsawa na ako kaya naisipan ko na magpunta ng Quiapo para mamirata at bumili ng kung ano ano, at tumingin ng mga halaman.

Oi check this out, nag bus ulit ako. hehe… sarap nung nasakyan kong bus. Nakatapat yung aircon sa akin, akala ko nasa loob ako ng freezer. Hehehe…

At bumaba ako sa mendiola, para sumakay ulit ng jeep(opo nagje-jeep po ako) papunta ng Quiapo Productions. Pagdating ko dun napag isip-isip ko na bumaba ng underpass at maki-usi sa nalalapit na Feast of the Black Nazarene.

Ang daming tao, pinaparada na nila yung mga “pirated” (pangit ng term na ginamit ko) na black nazarenes. Yung orig kasi sa Miyerkules pa ilalabas sa simbahan nya. (english translation: Mah hommie black dude will come out of his crib on wednesday, to holla at his damn peeps. Aiiight?)

Pag labas ko ng underpass, may bumati sa akin…

“oi! nagpupunta ka pala sa ganitong lugar?!”

Ang sagot ko, bakit? Anong problema?

“wala sa itsura mo na nagpupunta sa mga jologs na lugar…”

Sabi ko na lang, yan ang akala mo… mas jologs pa ako sa pinaka-jologs na kilala mo.

Jologs – i hate that word.

Bakit ganon? Bakit ganon ang tingin nila sa akin? Parang I don’t belong sa mundo? Para bang wala ako sa friendster nila? Para isipin nila na pihikan ako sa mga lugar na pinupuntahan ko?

Ang bumati nga pala sa akin ay isang namamanata na pedicab driver dito sa amin na nakakalaro ko sa basketball nung pwede pa ako maglaro. At self proclaimed kumpare ko daw sya at bigla ko na lang naging inaanak ang anak nya.

Tao nga naman ano…?

At syempre bago ako umuwi, may lumapit sa aking batang vendor(8yrs old, tinanong ko e) at inalok nya ako ng mga binebenta nyang tagalog books. Mga pangbata na libro. Mga Salawikain, mga kasabihan… at mga jokes…

Naisip ko tamang tama ito sa aking munting kaibigan na nasa states, balita ko kasi hindi na marunong mag-tagalog. Kaya ayun. Sa halagang 10 pesos ang isang libro, na tinawaran ko pa at nakuha ito ng 7 pesos na lang ang isa, bumili ako ng apat. (oo na, hindi na ko naawa sa batang tindero.)

At nang nakauwi ako, ang aso ko kahol na ng kahol akala mo ba e apat na taon kaming hindi nagkita kung tumahol. Kahit pagod ako, nakakabawi ng pagod. Hindi sya tumahimik hanggang hindi ko hinimas-himas.

At syempre, dahil inikot ko ang hidalgo at arlegui nagutom ako. Kaya pag dating ko dito sa bahay, naghanap agad ako ng pagkain.

Me: Ate, gutom na ko… ano pagkain?

Maid: Wala (*text text*)

Me: Si mom?

Maid: Asa Shangrila. (text… text… text…)

Me: Ano ulam?

Ate: Wala di pa nga ako nagluluto! (text…text…text… text…)

Me: EH DI MAGLUTO KA NA AT TUMIGIL KA MUNA KAKA-TEXT DYAN!

Ate: K fine.

Ayan ang madalas namin pagusapan ng maid namin.

Pero sa totoo lang, medyo bwisit na ako dyan.

Pero dahil maalaga sya sa mga aso ko, sige lang.

At eto pa ang paamatay dyan…

Meron ako havaianas na hindi ginagamit. Nasa shoe rack lang. Akalain mo, inangkin na nya. Yun na ang lagi nyang suot.

Alam ko para syang si mcdonald pag suot nya yun, pero sige lang carry pa rin, hanggang SM ata suot nya yun e.

Pero sige dahil mabait akong amo, sige lang. basta wag nya gugutumin ang aso ko.

May tanong ako sa inyo, tinutubuan ba kayo ng buhok sa paa?

Ako kasi meron eh. Ang hahaba, at ang kapal. (WAW!BALBON!)

Para syang yung “nose hairs” bwahaha ng hipon kahaba.

Teka, nahihirapan ako i-describe. Gusto nyo kunan ko ng litrato? wehehehe (kadiri ako)

Oh sya, gagawa na ako ng bracelets.

Good night!

21 Comments »

  1. Hahaha. From Greenhills to Quiapo to maid na addict sa text to havaianas…hanggang sa buhok sa paa.

    Ok ang kasambahay mo ah. Feeling P of the F. (Part of the Family).

    Ang bait mong amo.

    At no, wala akong buhok sa paa. Hehehe

    Comment by Scarlett — January 8, 2008 @ 8:37 am

  2. may buhok ako sa paa pero maiksi lang, at inaahit ko siya kasi pangit pag naka-sandals ako…

    kadiri? oo? kahit babae ako, tao ako. salamat.

    at pareho tayong nabubuwisit sa katu… kasambahay.

    kung kokompyutin mo, mas mahaba pa ata tulog niya sa akin.

    at hindi siya marunong maglaba ng bra. sanlibo mahigit bili ko sa mga yun, kung kusutin niya eh parang sa divisoria lang gawa.

    nang tokwa talaga!

    Comment by Lenggai — January 8, 2008 @ 12:55 pm

  3. Lenggai, Hehe…sa halaga ng mga bra mo, mga pang matinding derby ang mga ganyang bra…

    batang velvet rose ka ata at batang calvin klein e.

    Pero the best sa mga mata ko na bra, M&S pa rin.

    Simple lang, pero hotness pa rin ang itsura.

    Pero kung iispin mo, okay lang na di sya marunong maglaba ng bra mo…

    …ang masama dun e baka SINUSUOT NYA ANG BRA MO.

    Hehehe Share kayo?

    Comment by pornstar88 — January 8, 2008 @ 1:26 pm

  4. Scarlett, oo medyo nagfe-feeling yun e.

    Wala ka buhok sa paa? Ako dami. Sobra.

    Feeling ko nga anak ako nung original na SERGIO Santibañez.

    Bulbulin all over.

    Gusto mo makita ang mala-carpet kong dibdib? bwhaha joke lang…

    waehehehe… kadire shet.

    Comment by pornstar88 — January 8, 2008 @ 1:33 pm

  5. ampft! di niya masusuot dahil hindi kasya! hnyahahaha!!!

    pero di kaya kaya kinakati yung…

    josme! tinutubuan ka ng gubat sa dibdib?! shocking shockerers!!!

    wacoal lang, at nakuha ko sila ng hulugan kasi me nagbebenta sa upis namin… hahaha!

    Comment by Lenggai — January 8, 2008 @ 2:16 pm

  6. Ah ganyan din yung sa nanay ko, wacoal.

    Madalas ko paglaruan yun nung bata pa ako, ginagawa kong suspender.

    Actually kahit limang suso, kasya dun.

    hehehehe

    Comment by pornstar88 — January 8, 2008 @ 2:44 pm

  7. di ko na sana papatulan pero… langya! bra ng mama mo?!

    fyi, dalaga pa ako at masarap ang fit ng bra ng wacoal… sakto lang at sapat…

    limang suso… ampft! hindi ako BAKA!!! lol!!!

    Comment by Lenggai — January 8, 2008 @ 6:42 pm

  8. aba.ang bait mo naman. ang abuso nun ah Lol. kung ako un, baka inirap irapan ko na sya. nyahahaha!

    Comment by maria — January 8, 2008 @ 8:00 pm

  9. lenggai, hehe boobsie mommy ko e.

    Kita ko pics nyo ni sergio ah.. wwehehehe

    Comment by pornstar88 — January 8, 2008 @ 11:34 pm

  10. maria, medyo mabait lang ako… medyo lang. hehehe

    Comment by pornstar88 — January 8, 2008 @ 11:37 pm

  11. dapat sa maid nyo Gel sinasapak! kapal ng mukha! baka feeling niya siya ng dapat inaasikaso!

    oo nga, ambait mo nga sobra…kung ang period ngayon eh tulad nung HS ka pa, malamang hinulog mo na sa lagoon yung maid niyo!

    Comment by Anne Marie Mercado — January 10, 2008 @ 8:30 am

  12. nakakatuwa ang maid nyo ha, same as sa maid ng pinsan ko minsan sarap sapakin pero mahirap maghanap ng kapalit eh, one time na kumakain kami ayaw maghain sinbihan kami na kanya kanya na lang daw kuha ng plate lolz, tapos pag tatawagin mo pangalan nya pa lang ang sinasbe mo ang sagot kaagad “ano na naman, may ginagawa pa ako” medyo pasigaw pa yun ha! diba ang ganda niiya

    Comment by isay — January 12, 2008 @ 2:50 am

  13. You should check the blog link I left on your YM.

    …i told you.

    you should have known better.

    Comment by krissy — January 12, 2008 @ 1:21 pm

  14. Meron din akong buhok sa paa pero di naman mahaba at konti lang, patingin nga ng sayo? heheh…

    About dun sa maid nyo, sarap ahitan ng buhok ano?! astig at paki-alamera.. Naalala ko tuloy yung kasama nila mama noon sa bahay, panay din ang text daw kaya hayun ngayon wala na pina-alis.

    Noong umuwi ako sa atin, nagpunta din ako ng greenhills kakatuwa mamili kaso sa quaipo di ko na napuntahan kasi wala na time, oh dba jologs?! :lol:

    Comment by MisyeL — January 13, 2008 @ 1:32 am

  15. you never learn

    you never fuckin learn!

    Comment by krissy — January 13, 2008 @ 2:01 am

  16. dont turn off ur mobile

    ur pissin me off!

    Comment by krissy — January 13, 2008 @ 2:48 am

  17. Krissy, nabasa ko na. Hindi ko alam kung blog ng ate mo yun dati. Pero by the looks of it, parang kanya nga, yan ata yung time na magkaaway kami tagal na nyan. Tignan mo sa SDB nya sa metrobank yung notebook nya kung saan nya sinusulat ang mga pin numbers, email passwords, pati blog passwords nya malay mo nandun, then let’s put the blog down.

    Yes, I never learn. Pareho kami. Matigas ang ulo. Your ate chose that path, so be it.

    If I am pissing you off, then sleep. Don’t bother wasting your time here.

    Wag kang makulit.

    Comment by pornstar88 — January 13, 2008 @ 3:59 am

  18. mukha ka raw kasing class..!!

    hehehe.. :P

    Comment by silverfox05 — January 14, 2008 @ 9:52 pm

  19. masarap mamili sa quiapo try nyo din divi :)

    Comment by heart — January 15, 2008 @ 9:45 pm

  20. palagi ako asa greenhills, quiapo, divi, cartimar, at kung minsan, baclaran.

    bibili ng kung anu ano.

    ipawax mo kaya yang mga buhok mo sa paa. sosyal!

    waw, usapang bra! ang akin palaging triumph. last tuesday lang nakipagbakbakan ako sa matinding init at kapal ng tao (lahat babae) dahil nag mega sale ang triumph. P225 ang bra. P60 sa panty. o di ba? panis!

    Comment by redpl8 — January 17, 2008 @ 11:23 pm

  21. ok din pamamasyal/trip mo ah. =)

    Comment by tech84 — March 12, 2008 @ 11:43 pm


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

Blog at WordPress.com.