I went to the airport after my vet visit with my sister na hilaw para sunduin ang isa pang kapatid na hilaw, and then dumirecho na kami sa toyota roxas blvd. Why?
Because they knew that I’m in silent protest regarding the car they sold.
So there, pag pasok ko sa showroom, I asked one of the sales agent, may Prado kayo?
Ang sagot, Walang stock. Tapos iniwan na ako nung sales agent.
Tama ba naman yun?
Then I saw a gold camry. Sumakay talaga ako. For 30mins hindi ako umalis. Then my sister asked me, kuya ganda nung fortuner oh, gel ganda ng rav4 oh…
Sagot ko sa kanila, pakialam ko? Eto gusto ko eh.
Then, one customer asked me to step out of the car kasi titignan nila. Hindi ako umalis(tigas ng ulo ko no?)
Nung napagod na ako kakaupo, I went out of the showroom. At nauna na ako sa kotse.
Pag dating nila, humirit ang kapatid ko…
“hay ang spoiled kong kuya…”
“fine fine kuya…panalo ka na…”
still, dedma pa rin ako.
then, pauwi na kami… nang biglang… bang!
Ang kuyang spoiled nakabangga. Tanggal ang bumper ng isang lancer.
Sabay tawa na lang sila at hirit ng…
“you don’t have to do that, bibili na promise.”
Akala siguro nila sinadya ko. Hindi nila alam, masama ang pakiramdam ko at wala ako sa mood. At walang coordination ang paa, kamay, mata at utak ko.
Bayad sila dun sa nabangga ko.
Hay nako. Kung alam lang ng mga kapatid ko ang pinagdadadaan ko…
