The Pornstar

January 8, 2008

Hindi nyo lang alam…

…mas jologs pa ako sa pinaka-jologs na kilala nyo. 

Kanina as usual, nasa greenhills ako to bid farewell sa mga tiangge and staff nila kasi last day na nila mamaya.

(oh di ba updated!)

Tatlong araw na akong doon nagtatanghalian, at tatlong araw na rin ako paikot-ikot dun, wala naman ako binibili. Ay except the puzzle hehe.. yung pang kids. Pero kahit pang kids yung puzzle, ang hirap pa rin ah.

Anyways, sa tatlong araw na magkakasunod na pag-ikot ko sa greenhills, nagsawa na ako kaya naisipan ko na magpunta ng Quiapo para mamirata at bumili ng kung ano ano, at tumingin ng mga halaman.

Oi check this out, nag bus ulit ako. hehe… sarap nung nasakyan kong bus. Nakatapat yung aircon sa akin, akala ko nasa loob ako ng freezer. Hehehe…

(more…)

November 20, 2007

On my way

Filed under: kamote — Tags: , , — pornstar88 @ 8:25 pm

Gusto ko lang ipakita sa inyo ang madalas kong puntahan kapag bored ako dito sa bahay.


Second home ko na ito.

Dito na kami, tumanda ng mga kaibigan ko.

Di pa ako tuli, tambay na ko ng Greenhills noon.

May mga bump cars pa dyan, carousel… at ang pinakamalaking store dyan ay Cinderella.

Pero ngayon puro mga ALAM NYO NA ang mga nandyan. Not safe na nga kung tutuusin. Sila-sila, nagyayarian. Oh well.

Pero sige, happy place ko to eh. Pag may problema ako makikita ninyo ako dyan paikot-ikot. Naghahanap ng makakainan. O kaya minsan, nasa timezone… alam nyo na, sinusumpong ng pagiging feeling bata.

Dumating yung panahon noon na halos araw araw nandyan ako. Pag gising ko sa umaga, quick ligo lang, bihis agad punta agad dyan. Dyan na kami aabutan ng lunch, dinner, at minsan pati midnight snack dyan na rin.

Swerte ko lang siguro talaga dahil malapit lang sa amin to.

Kung minsan sinumsumpong akong lakarin simula dito sa bahay namin, hanggang dyan.

Para ano?

Para lang kumain ng shawarma.

Tapos lakad ulit pauwi, kasama ang best friend ko.

O kaya minsan, nagrorollerblades ako papunta dyan(noong pwede pa ang in-line skates dyan), kasama ang mga kaibigan para ano? para mag mcdo.

Oh well… sana wag naman pasabugin o guluhin ito ng mga ALAM NYO NA. Kasi pag nawala pa ito, malulungkot ako.

Pero alam nyo naman… ang mga ALAM NYO NA…walang pinipiling lugar.

Oh well, sana lang talaga, tumigil na sila.

Blog at WordPress.com.