The Pornstar

December 9, 2007

Cast Quartet

I am hooked with these Cast Puzzles. Kung kahapon, nasa kotse pa lang kami, sinusubukan ko na kalasin ang puzzle, hindi pa kami nakakalabas ng Greenhills Shopping Center, nakalas ko na.

Pero ang pinroblema ko is paano ko maibabalik sa tama… So buong gabi, eto ang inatupag ko. Awa ng Diyos, bago tumilaok ang mga tandang sa paligid, naibalik ko na sa dati.

Natulog ako, katabi ko ang puzzle ko. Pag mulat ng mga mata ko, laro agad ng puzzle. Hindi pa ako naghihilamos, puzzle agad. Baka kasi naka-chamba lang ako nung naibalik ko eh.

Pero kanina, gumawa ako ng paraan para mapunta ulit ng Hobbes and Landes, at gumawa rin ako ng paraan para makabili ulit ng puzzle.

Okay na tong bisyo, kesa naman mag drugs ako di ba?!

Kung dati ang laman ng bulsa ko kadalasan ay, tech pen at cellphone, ngayon may puzzle na.

Cast Quartet – Level 6

Mukhang hindi lang nose bleed ang aabutin ko dito.

Anyways, I would like to thank my ninong for giving me this puzzle. Iba na talaga pag paborito kang inaanak. Kahit ano ituro mo,  go lang.

May work akong bago, actually im doing this since i was a kid, personal shopper ng Ate ko. She’s a doctor sa guam ngayon, pet ako nun. PET as in PEYBORIT. Hindi Pet na parang aso ha (para sa mga slow).  Ngayon ang gusto nya mangyari, ako ang mamimili ng mga usong damit ulit dito. Or kahit ano na sa tingin ko daw ay babagay sa kanya.

Ang kasarapan nun, may pang food at pang “toys” na allowance,  hehe pang bisyo ba. Minsan may pang gas pa.

Dis is da laaaaaaaaaaaayp!

Wag na umangal ang gusto umangal, kesa naman mag drugs nga ako di baaaaa?

Oh well, sana makuha ko na yung magazine dati kung saan na-feature ang lolo nyo, kahit pet magazine yun… okay na rin di ba? 

Exposure is exposure.

Good or bad publicity, publicity pa rin.

Hirap ng buhay artista.

December 8, 2007

Cast Violon

Filed under: Toys and Hobbies — Tags: , , , , — pornstar88 @ 11:46 pm

Alam nyo ba to? Yung mga metal puzzles na nabibili sa Hobbes and Landes, nakatanggap ako kagabi.. as a gift. Okay sya, madaming purpose. Pang-kiliti ng utak, at pang bato pag naiinis ka.

 Cast Violon ang nakuha ko, nakakainis sya nung una. Kahit naman ngayon eh, yung alam mo na kalasin at ibalik pero di mo ma-shoot sa tamang position yung bakal, kaya ayaw pa rin pumasok. Nakakairita.

(more…)

Blog at WordPress.com.