The Pornstar

November 20, 2007

Voltes 15

Filed under: Toys and Hobbies — Tags: , , , , , , , , — pornstar88 @ 7:09 pm

Familiar? Para sa mga pinanganak noong kapanahunan ko, malamang kabisado nyo pa ang mga tauhan dito.


Oh yes, ang walang kamatayan na VOLTES V.

Take a closer look sa susunod na picture.


I hope one day, makakuha din ako ng ganito. Yung original sana. Yung ginawa noon… mga 25 years ago. Sana magkaroon ako.

Nagkakaroon kami ng pagtatalo ng mga kaibigan ko pagdating sa toy collections ko. Hindi daw tama. Isang malaking kalokohan daw.

Ewan ko ba. Parang ganito lang yan e, may mga taong mahilig sa sapatos, may mahilig sa damit, may mga mahilig mangolekta ng kotse, may mahilig sa telepono, may mahilig mangolekta ng mga mamahaling bag tulad ni Scarlett… (hehehe)

Parang ganon din ako, yun nga lang… laruan ang iniipon ko.

Tinatawag nila akong may sayad pagdating sa mga laruan, pero pag pinakita ko naman sa kanila ang laruan ko, kitang kita ko sa mga mata nila yung pagkamangha at kahit sila hindi nila maialis sa sarili nila ang maalala ang pagkabata nila kasama ng mga lumang laruan.

At take note, sa tuwing kasama ko si ladyracer pumunta sa mga specialty toy stores, lagi kaming may nakakasabay na toy collectors na doble na ng edad ko. Pero pagdating sa kwentuhan tungkol sa mga laruan… para lang kaming magkaka-edad.

Blog at WordPress.com.