The Pornstar

January 5, 2008

Ano sa…

Filed under: kamote — Tags: , , , — pornstar88 @ 11:53 am

Ano sa tagalog ang STRAW?

(yung straw na pang softdrinks ha)

January 3, 2008

Does the moon light shine on Binondo?

Filed under: kamote — Tags: , — pornstar88 @ 12:55 pm

Hehe wala lang.

May thing ako sa kanta na yan e.

Nabaliw ako dyan e.

Pero ngayon tinatawanan ko na lang…

 i am strong.. i am manhid… *hikbi*

Putashet.

I am so great. *tulo uhog*

Tissue nga. Yung gamit na ha, para tipid.

Anyways, mukha namang masaya na yung intsik na yun sa boypren nyang mukhang kalabaw.

At pag nagkaanak sila ano kaya itsura? Freaks of nature?

Ang pait ng buhay.

(Uy si gel, bitter.)

Okay lang, ganito ako pag di ako nakaganti.

(wahahaha bitter amputangina)

(wahahaha tanginang shet.)

Ewan.

Etong wala akong pera wag kayong haharang harang sa dinadaanan ko baka mag ala rambo ako, at habulin kita.

*note: seriously hindi ako bitter. Wish ko para sa kanilang dalawa at dun sa isang kaibigan nyang lumait-lait sa akin noon dahil am not flashy with the things I own or even sa laman ng wallet ko, I wish them death.

(pero kalait-lait naman talaga ako noon eh, wehehehe!)

January 2, 2008

What a life!

Filed under: Business, Pets, Toys and Hobbies, accessories, hanayama puzzles, kamote — Tags: , , , , — pornstar88 @ 2:09 pm

What a way to start my new year.

Here’s the thing/s.

1. I declared war with my mom.

2. Right ear ni Elmo may punit. I don’t know if a mickey mouse bit her. At pag ganito, alam nyo na…umaatikabong gastos na naman. Eh wala pa naman akong pera. At hindi lang yun, baka mapasama pa sa mga dinadala nya.

3. Some of my accessories, sumablay. Not my designs, but 1 of the materials I used. I have 4thou worth of stock nun. Now, It’s dead. It’s the end. Out. DOA. (gusto ko rin ata mag declare ng gera sa supplier ko)

4. I have constant back pains. Dahil to pagkakadulas ko 2years ago. Yung pain nya grabe. namamanhid at parang binabarena ang buto ko, na nangangati sa loob. parang ganon.

5. Ang bituka ko, nag stop na sya sumakit. Wala na rin akong nakikitang blood sa aking you know… pero tangina, kailangan ko ang check up. Baka mamaya kaya pala wala ng sumasakit e wala na rin akong bituka.

6. Some of our projects, hindi pa nagmamaterialize. Eto ang part na nakakainis e. Mabilis ako kumilos, mabilis ako magtrabaho, tinatapos ko agad, pero nadedelay kami dahil sa ibang tao. YUN ANG PINAKA-AYAW KO. Sa totoo lang, masungit akong amo. Namana ko siguro to sa lolo kong chinese. Ewan.

7. Ang mga kapatid ng tatay ko, nag aaway-away na tungkol sa mga mamanahin nila, buhay pa naman ang nanay nila pero malapit na yun mamaalam. Ang tatay ko masyadong mabait, hindi nangingialam. At yung ilan sa mga kapatid nya mga sugapa sa pera.

Ang sasama pa ng ugali. Pero wag lang sila magsasalita laban sa akin o sa amin, talagang wala akong sasantuhin sa kanila. Unang una, dahil naghirap man kami noon, wala kaming hiningi sa kanila. Wala na kaming makain pero ang mga kamag-anak ko kung mamili ng koche, dala-dalawa. At palihim pa ginawa. Pera pala ng lola ko ang ginamit.

Kung ang tatay ko hindi nagsasalita, ibahin nila ako. Dahil kung gusto ko sila saktan, gagawin ko. Hindi ako matatakot sa kanila.

Totoo ang binanggit ko noon, wala sa pinag-aralan ang ugali ng isang tao. Mga kamag-anak ko, halos lahat espesyalistang doctor at abogado. Pero mga nasa loob ang kulo. Nuknukan ng gahaman.

May time na nakita ko na takot ang daddy ko sa akin, lalo na pag nagalit ako sa umaaway sa kanya na kapatid nya. Alam nya na anak nya ay isang demonyo pag galit.

Di bale, mamatay din sila. :)

8. Naniniwala ba kayo na may mga tao talagang mabigat kasama sa bahay? Yung may dasal ang dila. Yung parang curse? Nanay ko ganon e. Pag nagsalita yan laban sa negosyo ko, asahan nyo bagsak sya. bagsak ako. Kaya kailangan ko na talaga umalis dito.

9. Gusto ko na bumalik sa Singapore. Gusto ko na manirahan ulit dun. Mas mabenta ako dun eh. Dito sa Maynila, okay lang din naman kaso dun wala nanay ko.

10. Naalala nyo pa ba nasabi ko na mag dodoctor ako di ba? Oo. Itutuloy ko. Paano? Hindi ko alam. Pero itutuloy ko.

11. Gusto ko mamaril ng tao. Kahit sa tuhod lang.

12. Bitin ako sa paputok nung bagong taon. Next year gusto ko marami ako paputok.

13. May bago kaming kapit-bahay. Ang bahay nila parang yung mga bahay na makikita nyo lang sa Beverly Hills, mayabang. Akala mo kung sino kamukha naman nya si kachupoy. Chinese kachupoy.

14. Inis ako sa barangay namin. Puno ng kurakot. Mga salot.

15. Ang supplier ko ng lacoste, magsasara na. Lugi dahil nag invest sa ibang negosyo, ayan… olats na.

16. Gusto ko makipagsuntukan sa mga motormen na nasa tapat ng bahay namin na walang pakundangan kung mag ingay ang mga motor nila kahit madaling araw na.

17. Bigyan nyo ko armalite, isprayan ko na lang sila.

18. BILLS. It’s killing me big time.

19. Naiirita ako sa buhay ko. Gusto ko maghanap ng idadamay. Pwede ka ba? Kung sawa ka na sa buhay mo lika, barilan tayo.

20. Wala akong pera.

21. Lagi ako nananaginip ng lindol. Laging lumilindol na nagkakataon nasa isang building pa ako. Putangnang panaginip to.

22. Pwede namang si Joyce Jimenez ang mapanaginipan, pero hindi. Kailangan lindol pa talaga. Pero baka naman hindi ko pa lang nakikita si joyce jimenez sa panaginip ko. Baka naman kama yung lumilindol? Hehehe

23. Galit ako sa mundo.

24. Kailangan ko ng bagong outlet.

25. Natetense ako sa kalagayan ni elmo.

26. Nagkakakalyo na ang kamay ko. (bakit kaya?)

27. Di ko pa mabuo ang puzzle na quartet.

29. Gusto ko mamasyal, pero wala akong pangpasyal.

30. Kailangan ko umalis ngayon, para malibang pero wala talaga akong pera. May Kotse nga, wala namang pang gas at pang parking.

At dyan nagtatapos ang kaburatan ko sa buhay.

May kasunod pa yan, hintay lang kayo.

December 1, 2007

Reunion

Filed under: kamote — Tags: , , — pornstar88 @ 7:05 am

Malapit na ang Batch Reunion namin.

Palapit na ang mga pinaghandaang mga pahanginan, mga presidente na ng mga kumpanya, mga SOO(son of the owner), mga anak ng smuggler, at ng kung ano anong LORD.

Natutuwa ako na pakinggan sila.

Yumaman sila ng dahil sa magulang nila, hindi dahil sa sarili nilang kakayanan.

Ayoko talaga pumunta, pero I need to grab the opportunity… bakit?

bebentahan ko ang mga mayayabang. bwahahaha!

Ano nga ba ako sa school namin?

Isa lang naman akong common na estudyante, pero nakilala ako dahil sa sinibat ko ang teacher kong pari ng walis tambo. Dun, yun ang nagpasikat sa akin.  (note: I am not THAT bad, gumanti lang ako.)

Nung nakaraang linggo, nagkita-kita ang halos kalahati ng klase, sa isang hotel sa makati. Pagaraan ng mga damit, mga naka-dress to kill ang drama ng mga lolo nyo….coat and tie, armani suits, may mga dumating din na mga naka pangburol na… mga galing sa opisina ng tatay nila.

Ako ang huling huli na dumating. Naka-tsinelas, shorts at polo shirt. May nag comment, nampucha gel parang mamamalengke ka lang ha.

Halakhakan ang mga konyo.

Ako, dedma. Paki-alam ko.

Pinuntahan ko ang mga ka-berks ko sa grupo.

Masaya kami, hiwalay ang grupo namin sa mga grupo ng mga konyo.

Masaya kami na pinagtatawanan namin sila. :)

Silent panglalait. Yeah that’s the right term. :)

Hanggang umabot kami ng madaling araw at nagpasya kami na mag uwian na. Kanya-kanyang punta ng parking lot, may mga sinusundo ng mga driver…may nag cocommute.

At may mga bumalik pa ng main entrance from the parking lot para iparada ang kanilang mga sports car, at mga luxury cars ng mga tatay nila.

Lahat kami nasa labas, waiting for their sundo.

Ng nilapitan ako ng isang konyo.

Pano ka uuwi? Sabay ka na sa akin… 2 Seater naman tong dala ko men. (sabay sandal sa gilid ng koche)

Sabi ko, ayoko… dito ako tutulog.

(sabay tawa ang mga kasama ko…)

lakas ko daw mang good time. :D

SO bahala na silang mga anak ng mga lord. At sana kunin na sila ni Lord.

November 29, 2007

Alas Singko, oh Alas Singko kong mahal!

Filed under: Business, Politics, kamote — Tags: , , , , , — pornstar88 @ 1:28 am

Ang tagal mag 5am. Tangina gutom na gutom na ko ah.

Putangina kasi tong mga burat na nagpunta sa manila pen. Kung hindi dahil sa inyo, hindi mainit ang ulo ko, at hindi kumukulo ang tyan ko sa gutom.

Tanginang Curfew to.

Di bale, konting saglit na lang…. malalapatan na ng tapsilog ang aking mga labi.

Pero putangina ina talaga.

BURAT!

Mabalik tayo kay kikong matsing, laking perwisyo sa hotel business ang ginawa nila. Magpapasko pa naman.

Dapat dyan kay trillanes, kahit sa mga shopping mall wag na rin papasukin kung makakalaya pa sya. baka kung ano na naman ang gawin nila.

Basta gutom na gutom ako.

Older Posts »

Blog at WordPress.com.