Martsa ng pagbabago? O martsa ng paglubog?
Nuknukan ka ng perwisyo. Pinaglihi ka ata ng nanay mo sa sama ng loob, kung ganon wag mo na kami idamay. Bakit hindi ka na lang magtrabaho ng maayos? O kaya harapin mo ang kaso mo. Sigurado ka bang pangarap mo maging sundalo? O baka naman gusto mo lang maging bell boy? O kaya room boy ng mga cheap motels? Make up your mind.
Apektado ang negosyo ko dahil sa iyo.
Wag mong isipin na kaming mga sibilyan ang nagbubulag-bulagan lang sa mga nangyayari sa ating bayan. Naging mas matalino na lang kami ngayon dahil hindi laging dahas ang solusyon sa pagbabago.
At lalong wag mo rin isipin na ikaw si superman, taga pagligtas ng mga naapi. Dahil sa ichura pa lang malayong malayo na. Mukha kang tarsier na puyat.
At wag mo rin ikakatwiran sa amin na you’re doing this for the country… for us…
NO!
Perwisyo ka.
Kung trip mo ang mga pinagagawa mo, pwes, wag mo talaga kami idamay.
Balita ko, naghahanap ng bagong member ang ZAIDO. Dun ka na lang. Para ma-fulfill mo ang pangarap mo maging tagapagligtas ng mga natatae. Yun ang dapat sa iyo.
Itigil mo na yan. Dahil sa pangarap mo, dahil para sa sarili mong kadahilanan… dahil sa sinasabi mong prinsipyo…
Marami kang dinadamay na tao.
Ang mga sundalo na na-brainwash mo, paano na sila? Im sure ang ilan sa kanila pamilyado na. Pano na ang mga anak nila? Dahil panigurado masasama na sila sa iyo sa kulungan.
Sabagay, the more the merrier.
So paano, hanggang dito na lang. Basta tandaan mo….
Kingkong: I AM YOR PADER!
I pray na kidlatan ka ng sampung ulit.