The Pornstar

January 13, 2008

Ang bagong bahay

Filed under: kamote — Tags: , — pornstar88 @ 3:44 am

I transferred to a new house called, www.tapsiboy.com

I hope you’ll visit me there.

Bakit tapsiboy? Eh ayaw i-register ang pornstar88.com eh.

Bastos daw.

Eh gago pala sila eh.

Advertisements

January 8, 2008

Hindi nyo lang alam…

…mas jologs pa ako sa pinaka-jologs na kilala nyo. 

Kanina as usual, nasa greenhills ako to bid farewell sa mga tiangge and staff nila kasi last day na nila mamaya.

(oh di ba updated!)

Tatlong araw na akong doon nagtatanghalian, at tatlong araw na rin ako paikot-ikot dun, wala naman ako binibili. Ay except the puzzle hehe.. yung pang kids. Pero kahit pang kids yung puzzle, ang hirap pa rin ah.

Anyways, sa tatlong araw na magkakasunod na pag-ikot ko sa greenhills, nagsawa na ako kaya naisipan ko na magpunta ng Quiapo para mamirata at bumili ng kung ano ano, at tumingin ng mga halaman.

Oi check this out, nag bus ulit ako. hehe… sarap nung nasakyan kong bus. Nakatapat yung aircon sa akin, akala ko nasa loob ako ng freezer. Hehehe…

(more…)

January 6, 2008

Dog bite

Filed under: kamote — Tags: , , , — pornstar88 @ 11:25 pm

dsc00005.jpg

Ang kasalanan ng aso, ay mas kasalanan ng amo.

As a dog owner, responsibilidad ng amo ang alagaan ang aso nya, at kung ano man ang gawin nito.

Pero kanina, nakasaksi ako first hand ang amo nagtago sa responsibilidad nya.

Nakita nya na kinagat ng aso nya ang bisita ng kapitbahay nya, ang ginawa nya pumasok sa bahay niya ng parang walang nakita.

At nung binigyan na ng first aid ang bisita, lumabas ang amo, at tinanong yung kasambahay namin…

“nakagat ba?”

Hulaan nyo kung sino ang umintindi dun sa nakagat?

Kami.

Dinala namin sa Lourdes Hospital.

Ang gastos umabot sa 5k.

Ngayon lang yan, may mga shots pa na kasunod. 7 shots lahat lahat.

1650 per shot.

Kamusta naman yun di ba?

At mukhang wala talagang pakialam yung amo na yun.

Well, tignan na lang natin bukas kung ano ang gagawin nila.

Kahit sana man lang sila ang umintindi sa pagdala sa hospital nung kinagat.

O kinamusta nila, ang kalagayan.

Kaso hindi eh.

Nakakaawa yung kinagat, at dun sa nagmagandang loob na ipa-hospital yung biktima.

Nagbisita na nga lang yung tao, nakagat pa.

Hindi biro na gastos eh.

qwerty

Filed under: kamote — pornstar88 @ 12:37 pm

Pilitin ko man maghanap ng dahilan para sumaya, hindi ko magawa. Pilitin ko man kalimutan ang nangyari, hindi ko magawa. 

Sa dami ng gumugulo sa isip ko, sa tingin ko mas gugustuhin ko pa ang barilin ko na lang ang sarili ko sa sentido pag nakahanap ako ng pagkakataon.

Para tapos na rin ang problema ng isang tao dyan.

352

Filed under: kamote — Tags: , , , — pornstar88 @ 3:39 am

352 na ng madaling araw, pero eto gising pa rin ako.

Bakit? Nakatulog ako e ng mga 8pm tapos nagising ako 11pm na.

Pagkagising ko kumain ako ng walang kamatayang tapsilog.

Nakigulo sa mga nagpo-poker, nakipag-asaran…

biglang humirit ang isa…

“mukhang sabog ka na naman ah, problema pre”?

“okay ka lang gel…?”

“are you sick pre? hehe!” (tinawanan pa eh no?)

Nagsabi ako syempre, wala at kakagising ko lang.

At may kanya kanya na silang opinion tungkol sa akin…

May nagbanggit na kulang daw ako sa romansa…ng lalake.

Hehe.. Ewan ang gulo.

(more…)

Older Posts »

Blog at WordPress.com.